Wednesday, January 28, 2009

Philosophy of Love

Some afternoons during my college days I would usually hang out in the engineering library, not to do some serious studying, but to make codigos (cheat sheets) and have it reduced (photocopied) to a miniscule size.

There were also days when I and a few classmates would just chat, solve crossword puzzles, or read the paper while waiting for the next class.

It was in this library that I discovered Bob Ong. His book, ABNKKBSNPLAko?!, was reviewed by the Inquirer (or was it the Star?) and my friends were laughing over some of the passages lifted from the book.

I bought myself one and had a blast reading through those chapters. That book became a huge hit among our batch. I never did get to buy his other books but I've always thought he was one cool writer.

Then a few days ago, I chanced upon a friend's blog about Bob Ong's Philosophy of Love. This was published sometime last year but I never read about it nor received it in my email. I thought it was great. Tagos hanggang buto.

Allow me to share Bob Ong’s Philosophy of Love.

1. “Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya...”

2. “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”

3. “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

4. “Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

5. “Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

6. “Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo... Dapat lumandi ka din.”

7. “Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”

8. “Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”

9. “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka... Kaya quits lang.”

10. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

11. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo ay magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."

12. “Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima , sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.”

13. “Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”

14. “Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.”

15. “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”

16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.”

17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”

18. “Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”

19. “Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka... ”

11 comments:

len said...

Bob Ong is really a hit. The quotes you've just shared have also been posted to some blogs. And is being forwarded as text messages.

You got it right... tagos kasi sa puso.

Panaderos said...

Very wise and witty words. I think I need to get a copy of that book for myself. :-)

Andy Briones said...

I like this one: “Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo... Dapat lumandi ka din.”

Classic. Ehehe.

gillboard said...

Meron lang ako nung unang 3 libro niya... di nako nakabili nung iba, naging seryoso na kasi yung mga topics niya.

sabi nila, bob ong is not a real person... 3 writers daw talaga sila. don't know if that's true though.

SONIA said...

some i can relate to, others not at all...but if it's pop knowledge, it must mean something, :p congrats on the 101st entry

Raft3r said...

bida rin sya sa mga forwarded messages, ah
sila pala sumulat ng mga yon
hehe

The Scud said...

len > you're back! dalasan mo pagbisita. hehe.

panaderos > pabili ka na ng ABNKKBSNPLAko. i think you'd enjoy it.

andy > tama. landian na!

gillboard > rumors! ayos ba ibang books nya?

sonia > thanks! bisita ka ulit. btw, how was marley and me?

raft3r > di pa ako nakakatanggap ng ganyang message. di ata ako lovable. or should i flirt more?

len said...

O di ba nanguna pa sa pagpo-post ng comment. Masunurin akong bata e. nyahahaha

Keep on writing! :p

Raft3r said...

#11 ang pinakapanalo sa lahat
hehe

The Scud said...

len > swerte mga magulang mo sa yo. hehe.

raft3r > parang ikaw ata yan. tama ba?

Chyng said...

Exactly, naging standard ng marami ang mga quotes na yan! Ang ganda ng attack, very witty, funny yet so true!

Go BobOng Pinoy!