Monday, March 30, 2009

Shattered

Yan ang status ng isang kaibigan sa YM. Tinanong ko siya kung ano ang kuwento sa likod ng YM status. Sabi niya masaya naman siya ngayon sa piling ng bf niya. Pero nung nalaman niya na ikakasal na si ex ay hindi na siya mapalagay. Shattered nga daw nararamdaman niya.

Ang sabi ko ganyan ata talaga pag nalaman mo na nakamove-on na si ex at masaya na sa kanyang buhay na wala ka sa eksena. Lalung-lalo na siguro pag ikakasal o ikinasal na siya dahil ito na marahil ang pinaka-proof sa kasiyahan niya.

Ang sabi ko pa "maybe at the back of your mind you want your ex to wallow in self-pity habang ikaw nagpapakasaya sa buhay mo". Natawa siya. May konting katotohanan naman daw ang sinabi ko.

Naalala ko tuloy ang isa pang kaibigan. Habang hinahatid ko siya sa kanyang apartment lulan ng isang taxi naikwento niya na nakita niya minsan pics ni ex sa isang social networking site. Hindi lang ordinaryong pics ang nakita niya. Wedding pics. Di daw siya mapakali. Nataranta pa nga at tinawagan ang isang kaibigan para ikwento ang nadiskubre.

Naisip ko ganyan ba talaga pag naunang ikasal o kinasal ang mga ex? Di ako maka-relate dahil sa pagkakaalam ko di pa kinakasal ang nag-iisa kong ex. At di ko na tinitingnan ang social networking account niya. Nakapag move-on na ako. At siya din. Naka-dalawa at tatlong SO ba naman after kami nag-break.

Naisip ko din. Pag nag-break ba ang mag-SO ay yun na ang simula ng paligsahan kung sino ang unang maka-getover? Sino ang unang makahanap ng kapalit? Sino ang unang ikasal? Sino ang unang magkaanak?

Ang buhay post-break-up ba ay isang paligsahan kung sino ang mas maligaya?

5 comments:

gillboard said...

Mahirap minsan na di maging bitter pagdating sa ex. Gaya ng sabi mo, mahirap makita na yung ex mo ay nakamove-on na at masaya sa buhay niya na wala ka.

Raft3r said...

nyahaha
contemplative pa rin ang arrive ng post, ah
baka sa picture ng header
hehe

mas maganda talaga kung ikaw ang dumper at hindi yun dumpee

dahil never kang magiging bitter kung ikaw ang nakipaghiwalay
hehe

Sonia said...

haha. i don't think it's a contest. but you're right, i think it would really sting if you saw your ex getting married and you aren't yet. or even happy, at least. that would really sting. with a capital S.

The Scud said...

gillboard > tatanda ka ng maaga pag bitter ka. at di ka makakahanap ng kapalit. :-)

raft3r > tama ka. mas ayos talaga pag ikaw ang dumper. or in good terms kayo when you broke up. kaya ako hindi bitter. hehe...

sonia > hehe. life!

len said...

Siguro it's because after the break up, one wants a justification on "it's his/her loss not mine" belief.