Sunday, March 15, 2009

Masarap, Masikip, Mahapdi

Titulo yan ng isang pelikula. Pito-pito. Pinalabas noong 1998 na pinagbibidahan nina Rita Magdalena, Hazel Espinosa, Rita Avila, at Jaclyn Jose. Gustong-gusto kong mapanood ang pelikula dahil sa titulo. Astig. AT dahil sina Rita at Hazel ang bida siyempre merong mga R18 scenes.

Bakit kaya noon ang lulupit ng mga titulo ng mga pelikula. Mapapansin mo na pinag-isipan.

Paborito ko ang mga one-word titles tulad ng Karnal, Insiang, Brutal, Moral, Itim, Himala, Bona, Jaguar, Banaue, Salome, Relasyon, Wating, Eskapo, Segurista, Malvarosa, Badjao, Igorota, Zamboanga. Ayos din naman ang Itlog, Talong, Patigasan, Baliktaran, Garapal, Onsehan, Prosti, Xerex, Laman. Hindi lang maayos ang pagkakagawa.

Dati pa mahilig na din ang mga Pinoy filmmakers ng mga mahahabang titles. Ang Sawa sa Lumang Simboryo. Tinimbang Ka Ngunit Kulang. Bayan Ko: Kapit sa Patalim. Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes, Sabado, Linggo. Ang Daigdig ng mga Api. Maynila, sa Kuko ng mga Liwanag. Kung Mangarap Ka't Magising. Pagputi ng Uwak, Pag-Itim ng Tagak. Sa Pusod ng Dagat. Tatlong Taong Walang Diyos. Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi. Hubad sa Ilalim ng Buwan. Ang Babae sa Bubungang Lata.

Meron din mga two to three-word titles. Pagdating sa Dulo. Hinugot sa Langit. Kakabaka Ka Ba? Nunal sa Tubig. Anak-Dalita. Oro, Plata, Mata. Rubia Servios. Sister Stella L. Luksong Tinik. Laro sa Baga.

Sa mga nakalipas na mga taon ang papangit na ng mga titulo. Halos lahat halaw sa mga kanta. You Changed my Life. Till I Met You. Till There Was You. Let the Love Begin. When Love Begins. Don't Give Up On Us. Can This Be Love. Now That I Have You. Close to You.

Pero meron din naman na maayos ang titles. Melancholia. Jay. Sigaw. Feng Shui. Ang Tanging Ina Ninyong Lahat. Jologs. Sabel. Ploning. Kasal, Kasali, Kasalo. Endo. Ligaw Liham. Pisay. Ranchero. Tulad ng Dati. Saan Nagtatago si Happiness?

Sana magkakaroon ulit ng mga titles na kahit nasa wikang Ingles ay ayos naman. Private Show. Broken Marriage. Scorpio Nights. Crying Ladies. Temptation Island. Burlesk Queen.

Sa ngayon ang pagtiyagaan muna natin ang mga titulong galing sa mainstream. My Best Friend's Girlfriend. One Night Only. I.T.A.L.Y. (I Trust and Love You). I Will Always Love You.

9 comments:

Visual Velocity said...

At least creative pa rin ang dating ng Itlog, Talong, at Patigasan kumpara sa I.T.A.L.Y. (I Trust and Love You) and I Will Always Love You. I mean, what the fuck? Title ba ng Whitney Houston songs 'tong mga 'to? Ehehehe.

Ba't kaya pagka-haba-haba ng mg title ng pelikula sa Pilipinas? Ang hirap tuloy tandaan. :p

Eloisa said...

haha... good post, and very informative. You have an expansive film vocab, C. And, you've got the language down pat too. bravo! :-p jk

gillboard said...

wala dito yung paborito kong title ng pelikula...

Tuklaw
Anak ni Zuma
Balawis
Kokey

honga, pansin ko rin galing sa mga kanta title ng halos lahat ng pelikulang pinoy ngayon... puros romance pa...

Anonymous said...

I salute you for remembering all those titles...

hehehe

napaisip tuloy ako pero nablanko. lol

I just remember na nakasama ako sa isang film na X RATED. title nya is MOLESTYA, ang hinalay na walang malay.

ako yung batang nkakita sa bathroom scene ni barbara Milano at nung isang artistang guy na hindi ko kilala.

hahahaha, diko napanuod yung movie kasi sa province lang sya pinalabas. hindi na-approve ng MTRCB. :)

Anonymous said...

Pati mga palabas ngayon, puro adaptations na lang din.

The Scud said...

andy > haha. sana tagalog songs na lang ginaya nila like Honey My Love So Sweet. lol. jessica zafra wrote about it too in her twisted columns, i think. i read it in one of her compilation books.

sonia > nyahaha. i have good memory lang pag movies. pag songs wala akong silbi. :-D

gillboard > ayaw mo ng "Kailan Titigil ang Putukan" o "Gawin Natin sa Dilim"?

The Scud said...

bryan > di ko alam yan ah! at artistahin ka pala. magkano binayad sa yo? hehe.

len > may magaganda naman. mga indies. antayin mo cinemalaya in july.

Raft3r said...

i'm no movie critic
but i believe my best friend girl friend rocks
i'm not a big fan of pinoy flicks
kung wala lang akong creative writing noong college baka talagang dehins na ako manonood ng pinoy movies
(sorry)
pero etong my best friend's girl friend halos mamatay ako kakatawa
marian rocks my world
biased ba
hehe

The Scud said...

raft3r > more than half sa nilista ko di ko napapanood. maganda ba tlg yang MBFG? mapanood nga.