Friday, February 27, 2009

Paalam Na

Last day ko kanina sa team ko. Parang wala lang. Nag-email ang kliyente namin. Nagpasalamat. Pati engagement manager namin. At ang account manager ko dito sa Pinas. At ang team lead ko na Kano.

Nilibre ako at si Paul ng mga teammates namin ng lunch. Pa-despedida nila.

Pagbalik namin sa opisina niyakap ako ng isang kasamahan. Mamimiss daw nya ako. Di ako sumagot. Tumawa lang. Naiilang kasi ako sa ganyang mga bagay. I'd rather do those things privately. Yung walang nakakakita. Walang nagmamasid. Kami lang. At ang bubong. O ang mga bituin sa langit.

Pilit din niyang pinapaamin na mahal ko si Ms Melamine na wala naman talaga akong nararamdaman. Flirting lang ang pinaggagawa ko sa loob ng dalawang taon. Ayos kasi yung merong flirting sa opis. Nakaka-relieve ng stress.

Pero ng patapos na ang opis hours at sinimulan ko na ang pagsagot sa mga farewell emails muntikan na akong maiyak. Mahal na mahal ko kasi ang work ko sa account na yun at ang mga kasamahan ko.

Parati kaming masaya. Minsan lang ang pressure. Maluwag sa deadlines. Basta I had the best of both worlds.

Pero kailangan ko magsakripisyo. Sabi nga ng isang kasamahan sa ibang account "sacrificial lamb" daw kami. No big deal naisip ko.

Sana lang may mabuting maidudulot ito sa career ko. Suntok kasi ito sa buwan.

9 comments:

Raft3r said...

kahit garapal akong mag blog
pagdating sa personal interactions
sobrang dyahe ako
lalo na pag medyo intimate
yun tipong goodbyes, congratulations
ayoko ng maraming nagmamasid
mas maganda kung one on one
hehe

Andy Briones said...

Oh no... what happened?

The Scud said...

raft3r > di lang talaga ako sanay sa mga pda na yan. hehe...

andy > i blogged about this na. checkout yung "a twist of fate" post ko. :-D

prinsesamusang said...

i wish you all the best. anu't ano man lagi naman may dahilan bakit nagkaganiyan. sana nga okay ang effect niyan sa iyong career. good luck!

The Gasoline Dude said...

Good luck with your future endeavours. Kaya mo 'yan! = D

gillboard said...

good luck sa bagong chapter ng buhay mo... di ka naman umiyak?

ako, tuwing nagpapaalam ako sa mga naging kasama ko sa trabaho, di ko mapigilang mapaluha.

Pearl said...

I hate goodbyes pero minsan kailangan. Hope everything will be better after this episode in your life. Hehehe. Drama.

Nga pala.Bloghopped from Atticus. Lurv your pics :-)

The Scud said...

prinsesamusang > salamat! salamat!

gasoline dude > salamat din!

gillboard > hindi. haha. nagsiuwian na kasi sila nung sinimulan ko mag send ng farewell replies. same office, same floor lang naman din kami.

The Scud said...

pearl > thanks for dropping by. balik ka ulit ha.