Wednesday, September 17, 2008

Public Speaking

Ikakasal na ang kaibigan ko sa Disyembre, limang araw bago mag-Pasko. Naalala ko tinext ko sya nung June. Uuuwi ako sa bayan namin at kung gusto nya puwede kami magkita kasama ang iba pang mga hayskul friends. Dinner. Tumanggi sya. Busy daw sya sa kanyang thesis. Magpapaalam na sana ako pero may pahabol sya na-text. Tuloy na tuloy na ang kasal nila ng college bf nya. Nasiyahan ako. Mabait ang lalaking mapapangasawa nya. Nag-text sya ulit. Kukunin daw nya akong reader sa kasal nya. Napaupo ako sa kama ko. Hindi ako magaling magsalita. Kumuha na lang sya ng iba. Yang ang sabi ko sa kanya. Ang sabi nya okay lang daw kahit di ako magaling magsalita basta kukunin nya ako para magbasa.

Nakakatakot. Naalala ko nung hayskul. Kinuha akong emcee ng isang program. Partner kami ng hayskul loveteam ko. May script. Ang nakalagay dun Together: Good afternoon to all of you. Sabi ko sa partner ko 1-2-3 sabay tango ng ulo. Ayun narinig ng buong hayskul department ang aking pagbilang. Nakakahiya.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon di na ako muling nag-emcee. Palaging behind the scenes na lang. Pag ni-recommend ako ng mga titsers na isali sa mga inter-school extemporaneous speech contests inaayawan ko. Na-traumatize. Na-phobia. Ang huling "public speaking" engagement ko ay sa kasal ng aking nakababatang kapatid. Pinilit lang ako.l Kailangan ako daw ang mag-toast sa bride. Nagawa ko naman. Sabi nila meron daw video ng speech ko. Hindi ko pinanood.

Nung isang buwan, nag-text ulit ang kaibigan ko. Kukunin na nga nya akong magbabasa at ipapadala nya ang imbitasyon sa mga susunod na buwan. Hindi ako makatanggi. Gusto ko sana humirit abay na lang ako. Haha. Pero naisip ko once lang naman sya ikakasal. At sa dinami-dami na puwede niyang kunin ako pa ang naisipan nya. Ni-request ko na isama na rin nya sa imbitasyon ang babasahin ko para makapag-practice.

Ngayon pa lang kinakabahan na ako. Kailangan ko magsanay magsalita na dahan-dahan. Hindi ako sanay. Mabilis ako magsalita. Parang parating may hinahabol. Kailangan ko na din sanayin ang sarili ko na di magmura. Patay ako pag narinig nila ang "Fuck!" or "Putang Ina!" or "Lintek". Ang hirap. Makakaya ko kaya?

3 comments:

Ely said...

ok lang un. normal lang kabahan. hehe. I have a friend na pag nag-eemcee, lagi niyang sinasabi, "Sorry, i'm not use to this, lemme compose my self first..." sabay hinga ng malalim. Tawa lang ang audience.

The Scud said...

haha. thanks for the morale booster. di pa dumadating ang imbitasyon. :-)

Anonymous said...

if i were the one in front, I'd think of myself as "The Star!", and then, hehe, everything just goes like magic. but then, that's just me, i love public speaking anyway. :-p

p.s. it's worth a try though. ;-)