Wednesday, September 24, 2008

Office Jokes: Part 2

Umaga. Kararating lang ng isang teammate na babae na tawagin natin Lina.

Lalaking teammate: Wow. Wet look si Lina!

Nagtayuan lahat at tinignan ang kararating na si Lina.

Babaeng teammate: Wet look nga. Tumayo pati si Marlon (teammate na nakaupo sa sulok ng opis).

Tawanan.

------------------------------------------------------------------------------------

Gabi. Kinakausap ng Payroll Admin ang isang lalaking timmate na panggabi na tawagin nating Graveyard.

Payroll Admin: Andito ka na pala graveyard. Kanina pa kita inaantay.
Graveyard: Kararating ko lang (sabay bigay ng requirements para sa new income tax law).
Payroll Admin: Kumusta naman ang sex life mo.
Graveyard: Eto idle.

(Tawanan)

------------------------------------------------------------------------------------

Pantry. Nagkwekwento ang manager sa field tripng kanyang anak, na prep pa lang, sa iba't ibang factory sa Metro Manila.

Manager: Sige. Yung next team building natin mag field trip tayo sa mga factories:
Opismate: Saan naman tayo pupunta.
Manager: (Pabulong) Pabrika ng condom.

(Tawanan)

------------------------------------------------------------------------------

Nagkwekwentuhan sa difference ng "go to the back" at "go at the back".

Opismate 1: Same lang yan sa "come and go".
Opismate 2: Explain mo nga.
Opismate 1: (seryoso) Example, I want to come with you...

(Naputol dahil nagtawanan na)

Opismate 1: (Na-realize ang double meaning) Tarantado!

No comments: